“Repent! Repeeeent! For the end of the world is near!!!”
Nagkatinginan kami nina Yasmin at Jeff habang ang lahat ay nagkakagulo na sa may flagpole malapit kay Oble. Nang marinig namin ang sigaw na ‘yon, hindi namin matantiya ang aming mga sarili kung kami ba ay matatakot, maiinis, o matatawa.
Lunes. Bandang alas kuwatro ng hapon. Masaya ang atmosphere sa tambayan. May ipi-present kaming neo maya-maya lamang. Isa ito sa mga pagkakataong maraming uma-attend ng G.A. Siguro ay dahil gusto nilang masaksihan kung ano ang itsura nila noong sila naman ang nasa kalagayan ng kawawang neo.
Sa isang klasrum sa 20s. 4:15 ng hapon. Pagkatapos ng standard briefing ng aming Chief Squire na si Benjie at Grand Marshall na si Bayani kung ano ang mga puwede at di puwedeng gawin, heto na… magsisimula na ang inaabangang presentasyon. Then suddenly… the chairs were in motion! May sumigaw. “Lumilindoooooool!!!”
Dali-dali kaming nagsipagtakbuhan palabas ng klasrum. Subalit sa lakas ng lindol, hindi kami makatakbo. Ni hindi kami makatayo. Ako nga ay nauntog pa sa isang armchair na biglang tumambad sa aking harapan. Ginapang namin ang kahabaan ng 20s hanggang sa marating namin ang parking lot.
At doon nga nangyari ang isa pang mas malakas na aftershock! Kaya’t di ko masisi ang isang nilalang kung nag-panic man siya nang husto. Oo nga naman, baka katapusan na nga ng mundo. “Repent! Repeeent!” Buti na lang ay napigilan namin nina Yasmin at Jeff ang aming mga sarili at ang aming mga mata na lamang ang nag-usap. Alam kong nagkakaisa kami sa kung anuman ang tumatakbo sa aming mga isipan sa oras na ‘yon.
Kinagabihan, halos lahat ng estudyante ay natulog sa may grounds ng Oble. Maririnig mo ang mga impit na iyak. Mga nagduduwetong mga singhot. Ako man ay nag-alala sa aking mga magulang at mga kapatid. Subalit sa mga panahong ganito, mabilis humupa ang takot sa aking dibdib. Alam kong lilipas rin ang lahat.
Labingwalong taon na ang nakararaan mula nang mangyari ‘yon. Ngunit ang mga alaala ng July 1990 earthquake ay nakatatak na sa aming mga isipan. At bakit hindi? We saw. We felt. We survived.

Recent Comments