Sabog ang utak sa kaiisip
Sa aking natuklasan
Di ko matanto kung ako ba’y
Matutuwa o malilito
O di kaya’y mababaliw
Sa iyong pagpapakatotoo…
Kay hirap sagutin
Ang maraming tanong
Na naglaro sa aking isipan
Ngunit tanggap ko
Ang mga katotohanang
Namutawi sa iyong bibig
Sumalungat man ang puso’y
Di ko na ito narinig…
Bakit nga ba ganito
Ang nararamdaman
Sa tuwing magtatagpo
Ang ating paningin
Sa bawat bulong
Sa bawat ngiti
Iba ang nasisilayan
Sa mukha mong
Tila may itinatagong saya
Kapag ako ay kapiling…
Gusto kitang hagkan
At pawiin ang iyong
Takot o pag-aalinlangan
Ngunit di ko matantiya
Ang takbo ng iyong isipan
Nakakatakot isugal
Ang ating samahan
Na pinatibay na ng panahon
Respeto at katapatan
Kaya’t naisip ko
Na siguro nga, oo nga…
Saka na lang.

0 Responses to “Saka Na Lang”
Leave a Reply
You must login to post a comment.